Pangulong Duterte, umatras sa kanyang kandidatura sa pagka-senador

205

Umatras na sa kanyang kandidatura sa pagka-senador sa 2022 elections si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngayong hapon nang magtungo ang pangulo sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila para ihain ang kanyang statement of withdrawal.

Kasama niyang nagtungo sa Palacio del Gobernador si Executive Secretary Salvador Medialdea.


November 15, 2021 nang maghain siya ng Certificate of Candicacy (COC) para sa senatorial race sa ilalim ng partidong Pederalismo Ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS).

Samantala, kaninang umaga rin nang pormal nang umatras sa pagtakbo sa pagkapangulo si Senador Christopher “Bong” Go.

Facebook Comments