COVID-19 case ngayong araw, bumaba pa sa 235

43

Bumaba pa sa 235 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Mas mababa ito kumpara sa naitalang 360 na kaso kahapon at pinakamababa sa loob ng 18 buwan.

Dahil dito, sumampa na sa 2,836,868 ang COVID-19 confirmed cases sa bansa kung saan bumaba pa sa 10,526 ang aktibong kaso.


Pumalo naman sa 2,775, 991 ang COVID-19 recoveries matapos gumaling ang 780 na indibidwal.

Nasa 10 ang naitalang nasawi kaya umakyat na sa 50,351 ang COVID-19 related death sa bansa.

Batay sa Department of Health (DOH), mayroong walong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).



Facebook Comments