Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang seremonya kaugnay ng pagdiriwang ng Pambansang Araw ng mga Bayani ngayong araw.
Dumalo ang pangulo sa flag-raising ceremony sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City ngayong umaga.
Nag-alay rin ito ng bulaklak sa Tomb of the Unknown Soldier.
Ang National Heroes Day ay pagkilala sa sakripisyo ng mga Pilipinong nag-alay ng kanilang mga buhay para maibalik at ma-preserba ang kalayaan ng Pilipinas at isa ito sa mga pinakamatandang public holidays sa Pilipinas na unang naisabatas noong 1931 sa pamamagitan ng Act No. 3827.
Facebook Comments