1 BIFF, patay sa engkwentro sa Maguindanao

66

Patay ang isang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) sa nangyaring engkwentro sa pagitan nila at ng tropa ng militar sa Brgy. Damablac, Talayan, Maguindanao.

Sa ulat na nakarating sa pamunuan ni Colonel Oriel Pangcog, Commander ng 601st Brigade, naka-engkwentro ng tropa ng militar ang nasa 18 kasapi ng BIFF-Bungos faction sa lugar.

Aniya, tumagal ng limang minuto ang palitan ng putok sa panig ng militar at ng mga teroristang grupo matapos nito ay tumakas ang mga teroristang grupo at humalo na sa mga sibilyan.


Sa ginawang pagtugis ng mga sundalo, isang bangkay ng rebelde ang natagpuang inabandona ng kaniyang mga kasamahan.

Narekober din ng mga sundalo ang isang improvised explosive device (IED).

Samantala, isang sibilyan din ang naiulat na sugatan na agad namang isinugod sa Integrated Provincial Health Office ng Maguindanao.



Facebook Comments