Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi siya nagtatrabaho para sa China o sa Amerika o sa anumang malalaking bansa dahil tanging Pilipinas lang kanyang pinagsisilbihan.
Binigyang diin ito ng pangulo sa gitna ng pakikipag-dayalogo kay Lithuanian Prime Minister Ingrida Simonyte sa Singapore nitong May 31.
“Over a hundred of years that we have been in contact in informal trade that has been going on. It’s still not balanced…All we want really, is the promotion of peace and the national interest. I don’t work for Beijing, I don’t work for Washington, I don’t work for Moscow. I work for Manila. I work for the Philippines and that’s what I need to promote,” saad ni Marcos.
Sinang-ayunan naman ito ng prime minister na kasalukuyang kumakaharap din ng usapin hinggil sa teritorya kontra Russia.
Parehas na naniniwala ang dalawang lider sa kapangyarihan ng mga international laws at parehas na nirerespeto at pinaglalaban ang dedisyon sa international scene hinggil sa sigalot sa teritoryo.
Iginiit din ng pangulo sa defense summit na may mga reyalidad daw ngayon na nakakaapekto sa pangkalahatang seguridad at pagdedesisyon ng mga bansa tulad na lamang ng tensyon ng Amerika at China.
Ayon kay PBBM, hindi lang regional ang isyu sa West Philippine Sea dahil daanan ito sa pangkalakalan at ang sigalot dito ay makaapekto sa pandaigdigang ekonomiya.