Pinoy boxer Carlo Paalam, tuloy ang suntok sa Paris Olympics!

Pasok na rin sa Paris Olympics ang Pinoy boxer na si Carlo Paalam.

Naka-secure ng ticket sa olympics siPpaalam matapos talunin si Sachin Siwach ng India sa men’s 57kg division semifinals ng 2024 Boxing 2nd World Qualification Tournament sa Thailand.

Mistulang reunion ito ni Paalam sa mga kapwa niya boksingero at Olympic qualifiers na sina Eumir Marcial at Nesthy Petecio na nakasama rin niya sa Tokyo Olympics noong 2020.


Samantala, si Paalam ang ika-14 na Filipino athlete na magiging pambato ng Pilipinas sa Paris Olympics na gaganapin sa July 26 hanggang August 11.

Facebook Comments