Pangulong Marcos Jr., pabor sa panukala ng DOH na isali na rin ang booster shots para masabing fully vaccinated ang isang indibidwal

Sang-ayon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa panukala ng Department of Health na isali na rin ang booster shots para masabing fully vaccinated ang isang indibidwal.

Ito ang isa sa mga napag-usapan sa ginanap na pakikipagpulong ni Pangulong Marcos sa mga opisyal ng DOH, IATF at PhilHealth sa Malacañang kahapon.

Batay sa isang report inirekomenda ng DOH sa pamamagitan ni Usec. Maria Rosario Vergeire na palawakin na rin ang ibig sabihin ng fully vaccinated, ibig sabihin ay isama na rin sa requirement ang booster doses.


Sa kasalukuyan kasi ay ang dalawang primary doses lamang ang kailangan at maituturing nang fully vaccinated.

Kaugnay nito, utos ng pangulo sa DOH na palakasin ang information campaign at ipaliwanag ang kahalagahan ng pagpapa-booster shot.

Facebook Comments