Pag-uusap nina Pangulong Marcos Jr. at China Foreign Minister Wang Yi, sumentro sa usaping agrikultura, imprastraktura at enerhiya

Tumutok ang usapan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at China Foreign Minister Wang Yi sa ilang usapin.

Sa kaniyang official Tweeter account, sinabi ni Pangulong Marcos na napag-usapan nila ni Foreign MInister Wang Yi ang usapin kaugnay sa agrikultura, imprastraktura, at enerhiya.

Natalakay rin aniya nila ang pagpanatili ng matibay na relasyon at ugnayan sa pagitan ng kanilang mamamayan sa susunod pang mga taon.


Nagpasalamat din ang pangulo kay Minister Wang Yi sa ipinaabot nitong mensahe ng pagbati at suporta mula kay Chinese President Xi Jinping para sa pagkapanalo sa nagdaang eleksyon 2022.

Facebook Comments