Wala umanong problema kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sakaling kumuha muli ng prangkisa ang ABS-CBN.
Ito ay kung mareresolba ng istasyon ang mga isyu hinggil sa nakaraang mga hearing at imbestigasyon kaugnay sa franchise renewal nito.
Nilinaw rin ng pangulo na dapat pagtuunan ng istasyon ang mga teknikal na isyu sa kabila ng kaugnayan nito sa politika.
Matatandaang pwersahang ipinasara noong 2020 ang ABS-CBN matapos ibasura ng kongreso ang 25-year franchise renewal ng istasyon.
Una nito, makailang ulit na binatikos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang istasyon dahil umano sa hindi pag-ere ng kanyang campaign ad noong 2016 presidential election.
Facebook Comments