Plebisito hinggil sa pagpapalit-lungsod ng Baliwag, Bulacan, ikakasa sa Enero 2023

Ikakasa ng Commission on Elections (COMELEC) ang plebisito o botohan para gawing lungsod ang munisipalidad ng Baliwag sa Bulacan.

Nakatakdang maganap ang nasabing botohan sa January 14, 2023, alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Magsisimula naman ang information at campaign period sa December 14, 2022 hanggang January 12, 2023, habang ang botohan ay sisimulan sa December 14, 2022 hanggang January 21, 2023.


Naisabatas noong July 30, 2022 ang Republic Act no. 11929 o ang panukalang gawing siyudad ang munisipalidad ng Baliwag, Bulacan.

Facebook Comments