Panukalang itaas sa 700 ang papayagang healthcare workers na magtrabaho sa abroad, inaprubahan na ng IATF

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) na itaas sa 7,000 ang pinakamataas na bilang ng mga ide-deploy na healthcare workers kada taon.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson Karlo Alexei Nograles, mas mataas ito ng 500 sa dating 6,500 deployment cap na pinayagan nitong Hunyo.

Mayorya sa mga papayagan ang mga Nurses na may visa na mag-e-expire sa December 31, 2021.


Batay sa datos ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), nasa 900 healthcare workers ang nagbabalak umalis sa Pilipinas para magtrabaho sa ibang bansa.

Facebook Comments