Ikinagalak ni Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano ang ginawang pagsuporta ng Radyo Trabaho DZXL 558 sa isinagawang Mega Job Fair ng Public Employment Service Office o PESO sa Cuneta Astrodome Pasay City kahapon.
Ayon kay Mayor Calixto-Rubiano, malaking tulong ang ginawang suporta ng Radyo Trabaho sa isinagawang Job Fair ng Pasay City LGU.
Sa kauna unahang pagkakataon ngayong 2022 ay lumabas ang DZXL Radyo Trabaho Team upang makiisa sa Mega Job Fair ng Public Employment Service Office o PESO sa Pasay City.
Umarangkada kahapon ang Radyo Trabaho para ipakita ang buong suporta sa Mega Job Fair ng PESO kung saan sinimulan alas-9:00 ng umaga na nilahukan ng humigit kumulang isang libong aplikante kung saan 130 mga aplikante ay agad na na-hired on the spot o agad-agad ay tanggap na sila sa kanilang inaplayang trabaho.
Ayon naman kay Lou Panganiba Head ng RT Team, halos hindi siya makapaniwala sa dami ng mga aplikanteng dumagsa para makapagtrabaho kung saan 50 Local at International Companies ang kalahok na may daan-daang alok na trabaho.
Ikinatuwa naman ng mga aplikante dahil bukod sa alok na trabaho ay mayroon din one stop kung saan pwede mong asikasuhin ang iyong mga dokumentong NBI, PAG-IBIG, PHILHEALTH at Social Security System (SSS).
Katuwang din sa Mega Job Fair kahapon ang morethanjobs.com, OWWA, POEA, DEPED-NCR, University of Pasay, DTI, PSA at TESDA.