Umakyat na sa pito ang nasawi hanang nasa 120 indibidwal ang naospital dahil sa diarrhea outbreak sa Siargao Island, Surigao del Norte matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette.
Ayon kay Surigao del Norte Gov. Francisco Matugas, kasalukuyang puno ng mga pasyente ang Siargao District Hospital.
Aniya, pahirapan pa rin ang makukuhanan ng malinis at maiinom na tubig sa isla.
Paliwanag ni Matugas, wala pa ring kuryente sa Siargao kaya hindi pa naibabalik ang operasyon ng lahat ng water-refilling stations.
Limitado rin aniya ang mga barko at eroplano na naghahatid ng relief goods.
Kasabay nito, umaapela si Matugas ng tulong partikular na ang generator sets.
Facebook Comments