Buwanang mass vaccination drive laban sa COVID-19, target ng pamahalaan

89

Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang pagsasagawa ng buwanang mass vaccination drive laban sa COVID-19 sa gitna ng banta ng Omicron variant ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Adviser for COVID-19 Response Secretary Vince Dizon, umabot sa 10.2 milyong doses ng bakunang naiturok noong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 3 habang hindi bababa sa 6.4 milyong ang nabakunahan nitong Disyembre 15 hanggang 22.

Aniya, hindi na mawawala ang virus na tuluy-tuloy lang sa pagmu-mutate.


Sa ngayon, umabot na sa 45.3 million mula sa 109 million target population ang nabakunahan na laban sa virus.

Nauna nang tinarget ng pamahalaan na mabigyan ng kumpletong bakuna ang 54 million indibidwal bago matapos ang taong ito.

Facebook Comments