May bagong benefit package ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para makamit ang target testing capacity ng gobyerno sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Dr. Shirley B. Domingo, Vice President for Corporate Affairs, sakop na ngayon ng babayaran ng PhilHealth ang SARS-CoV-2 testing gamit ang cartridge-based Polymerase Chain Reaction o PCR tests.
Sa inilabas na PhilHealth Circular No. 2021-0003, ang naturang benepisyo ay maaaring i-avail ng lahat na miyembro ng PhilHealth.
Ang bagong benefit package ay mula ₱1,059 hanggang ₱2,287 at direktang babayaran sa mga accredited testing laboratories.
Nilinaw ng PhilHealth na ang kwalipikado sa cartridge-based PCR tests alinsunod sa Department of Health (DOH) Memorandum ay ang mga nasa priority sub-groups of “at-risk” population gaya ng mga indibidwal na may mga sintomas, may history of travel at/o contact; mga walang sintomas pero may relevant history of travel o contact o high risk of exposure; sa mga contact-traced individuals.
Kung ito ay healthcare workers; iba pang vulnerable patients tulad ng mga buntis, immunocompromised at dialysis patients; returning Overseas Filipino Workers na kinakailangang i-test sa port of entry; frontline at economic priority workers kabilang ang mga miyembro ng mass media.