Dahil saillegal na sabong, dalawa arestado

9

Malay, Aklan – Arestado ang dalawang kalalakihan matapos na mahuling nagsasagawa ng illegal na sabong kahapon sa Brgy. Manocmanoc, Malay, Aklan.
Ang mga naaresto ay kinilalang sina Johnny Gumboc Temple, 65-anyos at Temeo Ibarra Casimero, 26-anyos parehong residente ng nasabing lugar.
Base sa report ng Malay PNP na nahuli ang dalawa matapos na maabutan habang nagsasagawa sila ng operasyon laban sa Illegal Gambling activities sa lugar.
Mabilis naman na nakatakas ang iba.
Na recover ng mga otoridad ang P 500.00 pesos bilang taya.
Mahaharap naman sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Gambling Law.

Facebook Comments