Nasa ika-limampu’t siyam na pwesto ang Pilipinas sa usapin ng Global Innovation Index (GII) rankings ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Dahil dito, hinikayat ni Pangulong Marcos Jr. ang mga Filipino scientist na nasa abroad na magbalik bansa.
Ito ay sa ilalim ng Balik Scientist Program kung saan pinalalakas ng pamahalaan ang innovation research sa larangan ng health, science, and technology sa pamamagitan ng Filipinnovation.
Ayon kay Pangulong Marcos, may nakalaang pondo para sa pagpapatupad ng innovation grants sa mga pangunahing programa para sa Balik Scientist Program.
Target aniya ng kaniyang administrasyon na umangat ang bansa at mapabilang sa top one-third economy sa pagtatapos ng kaniyang termino sa 2028.
Facebook Comments