Matagumpay na pagho-host ng Pilipinas sa FIBA World Cup, pinuri ng isang senador

Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang matagumpay na paghohost ng Pilipinas sa FIBA World Cup 2023.

Kasabay rin ng pagbati ng senador sa Germany na siyang nag-uwi ng panalo sa World Cup ay kinilala rin ni Go ang maayos na paghost ng bansa sa pinakamalaking international basketball competition.

Sinabi ni Go na ang naturang event ay maituturing na milestone para sa Philippine basketball at testamento ng pagmamahal ng mga Pilipino sa sports.


Pinuri din ni Go ang Gilas Pilipinas sa pagkamit ng pwesto sa FIBA Olympic Qualifying Tournaments makaraang makuha ang ika-24 na pwesto kasunod ng pagkapanalo laban sa China.

Ipinamalas lamang aniya ng Gilas ang katatagan at ang true spirit ng atletang Pinoy kaya tiwala siyang patuloy na ipakikita ng koponan ang kanilang galing sa pagsabak sa Asian Games at Olympic qualifying tournaments.

Umapela muli ang senador sa publiko na patuloy na ibigay ang buong suporta sa mga susunod na laban ng Gilas Pilipinas.

Facebook Comments