Pinakamalaking sindikato ng online fraud, naaresto ng NBI

284

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) Special Task Force ang isang Japanese na matagal ng wanted dahil sa online extortion.

Ayon kay NBI OIC Eric Distor, si Watanabe Yuki na kilala rin bilang Kenji Shimada/ Shi Shimada, ang itinuturing na “Big Boss” sa pinakamalawak na telecommunication fraud syndicate na may malawak na operasyon sa buong mundo kasama na rito ang Japan at Pilipinas.


Paliwanag ni Distor, si Yuki ay nasa listahan ng International Wanted Fugitive na nasa Blue Notice ng International Police o Interpol.

Dagdag pa ni Distor, ang Blue Notice ay isang kategorya na ginagamit ng Interpol upang makuha ang mga karagdagang impormasyon sa isang pinaghahanap gaya ng pagkakakilanlan, lokasyon o mga aktibidad na may kinalaman sa krimen.

Facebook Comments