Piolo Pascual, may sarili ng recording company

Matapos ang halos tatlong dekada sa showbiz, mayroon nang sariling recording company ang aktor na si Piolo Pascual.

Ayon kay Piolo, tinawag itong ‘Just Music’ na ilalaan para mga artist na balak i-explore ang kanilang creativity na hindi mawawala ang kanilang mga prayoridad.

Tuwing nakikita kasi ni Piolo ang mga young artist, nagkakaroon ito ng dahilan upang bumuo ng kompanya na makakatulong sa kanila.


Sa ngayon, ang mga singer-songwriters na sina Kenji at NKO ang isa sa mga ginagabayan ng Just Music, na kamakailan lamang ay nag-release ng singles na ‘Night and Day’ at ‘Langit’.

Facebook Comments