PNP bubuo ng special investigation task group para tutukan ang pagpatay sa ex-mayoralty candidate sa Abra

Inutos na ni Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar sa Police Regional Office Cordillera (PROCOR) na bumuo ng special investigation task group na tututok sa pamamaslang sa isang ex-mayoralty candidate sa Abra.

Kinilala ang biktima na si Dr. Trina Dait, resident doctor ng La Paz District Hospital at dating tumakbo sa pagka-alkalde ng Bayan ng Pilar noong nakaraang halalan.

Pinagbabaril ito sa loob ng kanyang tahanan sa Barangay Poblacion, Pilar, nitong Sabado ng gabi.


Nagpaabot si PNP chief ng pakikiramay sa pamilya ng doktor at sa buong medical community, kasabay ng pangakong personal niyang tutukan ang kaso.

Nangako si Eleazar na lahat ng angulo sa kaso ay bubusisiiin ng PNP para matukoy ang mga responsable sa krimen.

Matatandaang inutos ng PNP chief sa lahat ng mga police commanders na paigtingin ang kampanya laban sa loose firearms at mga private armed groups bilang paghandaan sa darating na eleksyon.

Facebook Comments