PNP Chief Dionardo Carlos, pinangunahan ang retirement honor ng Regional Director ng Police Regional Office 10 sa Cagayan de Oro

104

Pinangunahan ni Philippine National Police o PNP Chief Police General Dionardo Carlos ang isinagawang turnover of Command at Retirement Honors para sa Regional Director ng Police Regional Office 10 na si Police Brigadier General (PBGEN) Rolando Anduyan.

Isinagawa ito ngayong araw sa regional headquarters new grandstand, Camp Vicente Alagar sa Cagayan De Oro.

Si PBGEN Rolando Anduyan ay magreretiro sa PNP matapos ang dalawang taong panunungkulan bilang hepe ng PRO-10.


Papalit kay Anduyan si Police Brigader General Benjamin Casuga Acorda Jr., na dating Deputy Regional Director for Operation ng National Capital Region Police Office.

Facebook Comments