Mahigit 700,000 doses ng bakuna kontra covid-19, naiturok na sa lungsod ng Cagayan de Oro

31

Aabot na sa humigit-kumulang 711,000 doses ng mga bakuna laban sa COVID-19 ang naiturok na sa mga Cagayanons.

Noong Nobyembre 23 lamang, umabot sa halos 12,000 ang nabakunan.

Ayon kay Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno, ang naturang bilang ang pinakamataas na vaccination turnout ng syudad sa loob ng isang araw.


Dahil dito, pinuri ng alkalde ang vaccination team at ang lahat na tumulong sa nagpapatuloy na pagbabakuna ng lokal na pamahalaan.

Facebook Comments