PNP naghahanda na para sa pagsasampa ng kaso sa mahigit 3000 election law violators

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) para masampahan ng kasong paglabag sa Omnibus Election Code ang 3,829 na mga indibidwal.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Brig.Gen. Rhoderick Augustus Alba, ang mahigit 3000 mga indibidwal na ito ay lumabag sa ipinatupad na gun ban, liquor ban, vote buying at vote selling sa kabuuan ng election period.

Sinabi naman PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao Jr., na sa kabila na naging payapa sa kabuuan ang ginanap na halalan kailangan pa rin mapanagot ang mga lumabag sa election laws.


Tiniyak ni Danao na masasampahan ng kaso ang mga election law violators.

Batay sa datos ng PNP, mayroong 3,651 violators ang naaresto dahil sa paglabag sa gun ban, 128 sa liquor ban at 50 ay suspek sa umano’y vote-buying at vote selling.

Facebook Comments