Pamunuan ng LRT-2, may alok na libreng sakay sa Araw ng Kalayaan sa Linggo

31

Good news para sa mga pasahero!

May handog na libreng sakay ang Light Rail Transit Line-2 (LRT-2) sa publiko sa darating na Independence Day sa Linggo, June 12.

Ang naturang libreng sakay ay kaugnay sa pagdiriwang ng ika-124 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.


Sa inilabas na abiso ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority o LRTA, ang libreng sakay ay para sa lahat na pasahero mula ala-siyete ng umaga hanggang alas-nuwebe ng umaga at ala-singko ng hapon hanggang ala-siyete ng gabi.

Paalala naman ng LRTA sa mga pasahero na mahigpit pa ring sundin ang mga ipinatutupad na minimum health protocols kontra COVID-19 tulad ng tamang pagsusuot ng face mask sa loob ng tren.

Facebook Comments