PNP, nangakong igagawad ang hustisya sa naulilang pamilya ng hazing victim sa Davao City

Nangako ang Philippine National Police (PNP) na tututukan ang kaso ng pagkamatay ng isang 19-anyos na college student na pinaniniwalaang nasawi dahil sa hazing sa Davao City.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., tutulungan nila ang pamilya ng mga biktimang sina August Ceazar Saplot at Michael Angelo Ligaya upang makamit ang hustisya.

Matatandaang natagpuang walang buhay si Saplot sa Purok Santo Niño, Sison Village, Upper Mandug, Buhangin District habang nakaligtas naman sa hazing ang kasama nitong si Ligaya na kasalukuyang nasa ospital.


Natagpuan sa crime scene ang isang itim na sinturon at dalawang application form ng Alpha Kappa Rho.

Matatandaang nadakip ng mga tauhan ng PNP ang walong suspek habang patuloy pang pinaghahanap ng pulisya ang anim na iba pa.

Facebook Comments