PNP, tututukan ang mas mahigpit na pagpapatupad ng health protocols

Direktiba ngayon ni Philippine National Police Chief PGen. Debold Sinas sa mga pulis ang paghihigpit sa pagpapatupad ng mga health protocols.

Partikular na pinatututukan ni Gen. Sinas ang pagkukumpulan ng mga tao sa mga pampublikong lugar at pampublikong transportasyon.

Sinabi ng PNP Chief na konklusyon ng mga eksperto na ang “crowding” o pagkukumpulan ng mga tao ang pangunahing dahilan ng pagkalat ng COVID-19.


Kaya aniya importante ang istriktong pagpapatupad ng physical distancing sa harap ng pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Una rito ay inutos na ni Gen. Sinas sa mga local police commanders na paigtingin ang police visibility sa mga “places of convergence” para matiyak ang pagsunod ng mga tao sa mga minimum health protocols na pagsusuot ng mask at face shield.

Facebook Comments