Pope Francis, pangungunahan ang pagdiriwang ng anibersaryo ng 500 Years of Christianity ng Pilipinas

Pangungunahan ni Pope Francis ang pagdiriwang ng ika-500 taong anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Ayon sa Catholic Bishop’s Conference of the Philippines, ang Santo Papa mismo ang mangunguna sa misa na gaganapin sa St. Peter’s Basilica sa Vatican City.

Kasama ni Pope Francis na magmimisa ang iba pang matataas na opisyal ng simbahan kagaya ni Cardinal Luis Antonio Tagle na kasalukuyang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples


Magiging limitado lamang ang mga papayagang dumalo sa misa dahil sa COVID-19 pero mapapanuod ang livestream mula sa Vatican alas-5 ng hapon dito sa Pilipinas.

Samantala, sa Abril 4 o Pasko ng Pagkabuhay naman pormal na ilulunsad ng iba’t ibang diocese dito sa bansa ang isang buong taong selebrasyon ng 500 Years of Christianity.

Facebook Comments