Presyo ng diesel, nagbabadyang tumaas sa susunod na linggo

Nagbabadya na namang tumaas ang presyo ng diesel sa susunod na linggo.

Batay sa four-day trading ng Mean of Platts Singapore (MOPS), tumaas ng diyes hanggang bente sentimos ang presyo ng kada litro ng diesel.

Posible namang hindi gumalaw o tumaas ng karampot ang presyo ng gasolina at kerosene.


Ayon sa Department of Energy, ang inaasahang price adjustment sa susunod na linggo ay dahil sa pangambang magkaroon ng supply shortage sa kasagsagan ng peak season na sinabayan ng bawas-produksyon ng Saudi at Russia.

Nito lamang Martes nang magpatupad ang mga oil company ng mahigit pisong taas-presyo sa diesel at kerosene habang 50 centavos sa gasolina.

Facebook Comments