Taas-singil sa kuryente, ipatutupad ng Meralco ngayong Setyembre

Tataas ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong Setyembre.

Bunsod ito ng pagmahal ng generation charge na resulta naman ng mataas na presyo ng krudo at mahinang piso kontra dolyar.

Sa abiso, tataas ng 50 centavos per kilowatt hour ang power rate.


Katumbas ito ng nasa 100 pesos na dagdag sa September billing ng mga customer na ang kumukonsumo ay 200 kilowatt hour kada buwan at 250 pesos na dagdag para sa konsumong 500 kilowatt hour kada buwan.

Facebook Comments