Presyo ng diesel, nakaambang tumaas ng P14 kada litro sa susunod na linggo

Posibleng pumalo sa P14.00 kada litro ang dagdag-presyo sa diesel sa susunod na linggo.

Base sa unang apat na araw ng trading ng international market, nakaamba ring tumaas ng P8.00 ang kada litro ng gasolina at P11.00 naman sa kada litro ng kerosene.

Dahil dito, makikiusap ang Department of Energy (DOE) sa mga kompanya ng langis na unti-untiin ang sobrang laking oil price hike sa susunod na linggo.


Kasunod nito ay umapela rin si Laban Konsyumer President Victor Dimagiba sa mga oil firm na huwag na munang magtaas ng presyo dahil hindi lang naman ngayon lang binili ng mga ito ang kanilang suplay.

Dapat din aniyang huwag munang pairalin ang “pricing formula” na galing sa DOE dahil kahit magkaiba ang operasyon ay nagkokopyahan lang ang mga ito ng galaw sa presyo ng petrolyo kada linggo.

Facebook Comments