Presyo ng mga pangunahing bilihin sa paligid ng bulkang taal, nananatiling matatag – DTI

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na nananatiling matatag ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo na walang pagtaas sa presyo ng basic necessities and prime commodities.

Ani Castelo, may umiiral na suggested retail price sa Taal Volcano eruption areas.


Paliwanag nito, tuloy-tuloy ang replenishment ng basic necessities tulad ng sardinas, canned meat, noodles at iba pa sa mga itinuturing na high risk municipalites ng Batangas.

Base sa imbentaryo ng ahenya aabot mula 18 araw hanggang 60 araw ang itatagal ng suplay ng ganitong mga produkto sa merkado sa nasabing lalawigan.

Facebook Comments