Iba’t Ibang Pagkilala ng LGU Cauayan, Bida sa Women’s Month Culminating Day

30
Cauayan City, Isabela- Bida ang ilang grupo ng kababaihan sa lungsod ng Cauayan kasabay ng isinagawang National Women’s Month Culminating Day na may temang “Agenda ng Kababaihan tungo sa Kaunlaran.

Kasabay nito ay pinasalamatan ni Bb. Maria Christine Ordoñez ang bumubuo sa 98.5 iFM Cauayan dahil sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa mga programang ginagawa sa siyudad.

Nakiisa sa pagdiriwang ang maraming bilang ng mga opisyal ng barangay at mga babaeng pulis na pinangunahan ni PMAJ. Esem Galiza ng Cauayan City Police Station.

Kaugnay nito, nagbigay ng mensahe sa mga kababaihan si dating City Mayor Ceasar G. Dy bilang kinatawan ng Local Government Unit ng Cauayan.

Bumida rin sa aktibidad ang ilang hinirang bilang Most Outstanding Barangay Gad Champion, Search for Model Barangay Implanting RA 9003, Search for Barangay Nutrition Committee, Best Communal Garden, at Top 5 Barangay with Highest asset.

Tumanggap rin ng certificate at cash ang mga nanalong indibidwal sa isinagawang aktibidad.

Facebook Comments