Price control measures, handang ipatupad ng pamahalaan sa agri products

Nangako ang pamahalaan na gumagawa na sila ng hakbang para maibsan ang epekto ng pagtaas ng food products sa pamamagitan mg mahigpit na price control measures.

Ang mga Metro Manila mayors ay lumagda ng kasunduan sa Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), at Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa pagapatupad ng set of measures para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng ilang prime commodities sa public markets.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, kabilang sa mga istratehiya ay ang local price coordinating councils (LPCCs) para maiwasan ang overpricing ng ilang wholesalers, traders, at retailers.


Iginiit din ni Dar na dapat mahinto ang pananamantala ng ilang nagpapatupad ng hindi makatwirang taas-presyo sa ilang karneng baboy at gulay.

Sinabi naman ni Trade Secretary Ramon Lopez, nakatuon sila sa price monitoring at umaasang magkakaroon sila ng malinaw na price list at price control bilang gabay at pagtalima ng mga trader at retailers.

Pagtitiyak naman ni MMDA Chairperson Benhur Abalos Jr. na tutulong sila sa price monitoring, enforcement at adjudication process.

Kaugnay nito, sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, hinimok ni Vice President Leni Robredo ang pamahalaan na kontrolin ang inflation dahil ang hiling ng ilang labor groups na umento sa sahod ay hindi sapat para tugunan ang problema.

Nanawagan si Robredo ng government assistance para sa mga hog raisers na apektado ng African Swine Fever (ASF).

Facebook Comments