Asahang magkakaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong Martes, May 17.
Pero mas maliit ito kumpara sa big-time oil price hike noong Martes na umabot sa P4.00 hanggang lagpas P5.00.
Naglalaro lamang sa P3.10 – P3.30 ang posibleng itapyas sa presyo sa kada litro ng diesel, habang P0.50 – P0.75 naman sa kada litro ng gasolina, at P2.10 – P2.30 sa kada litro ng kerosene.
Paliwanag ng oil industry, ang pagtagal ng COVID-19 lockdown sa China ang pangunahing dahilan ng paghupa ng presyo sa world market.
Hindi rin magkasundo ang mga bansa sa Europa kung itutuloy nito ang oil embargo sa Russia dahil walang mapagkukuhanan ng replacement kung hindi bibili ang iba pang mga bansa sa Russia bilang parusa sa pananakop nito sa Ukraine.
Facebook Comments