Online voting ng Overseas Filipino at early voting para sa senior citizen at PWDs, nais isulong ni COMELEC Commissioner Garcia

54

Isusulong ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner George Garcia na maging online na ang pagboto ng mga Overseas Filipino sa susunod na eleksyon.

Ito ay upang hindi na aniya umalis ang mga OFW sa kanilang mga trabaho kapag bumoboto.

Dagdag pa ni Garcia na isusulong din niya ang early voting para sa mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs).


Aniya, tulad ng mga taga-media ay dapat mas maaga rin ng isang linggo ang pagboto nila upang hindi na sumabay pa sa mahabang pila.

Nangako rin si Garcia na aayusin ng COMELEC ang mga problema na nagyari sa katatapos lang na eleksyon.

Facebook Comments