Isang programa ang inihanda ni 3-term Senator at Antique Lone District Rep. Loren Legarda na maaring maging tugon upang buhayin muli ang ekonomiya ng Pilipinas.
Sa gitna ito ng kamakailang nai-ulat na dalawang linggong muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR Plus Bubble kung saan aabot sa 180 bilyong piso ang nawala sa ekonomiya.
Sa interview ng RMN News Nationwide, inilatag ni Legarda ang mga inisyatibo ng COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) Program na naglalayong matulungan ang mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Sa ilalim ng programa, maaaring umutang ng hanggang 5 milyong piso ang Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) na may grace period na hanggang 12 buwan at walang kolateral at interes na babayaran.