Bumaril sa isang grade 8 student sa Batangas, dapat tiyaking mapaaprusahan

Mariing kinondena ni House Committee on Welfare of Children chairperson at BHW Party-list Partylist Rep. Angelica Natasha Co ang pagpaslang sa isang grade 8 student sa Agoncillo, Batangas.

Bunsod nito ay pinapatiyak ni Congresswoman Co kay Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil na mapananagot ang suspek na walang-awang bumaril sa biktima.

Ayon kay Co, lahat ng kasabwat o tumulong sa gunman na isagawa ang krimen ay dapat ding kasuhan at mahatulan.


Bunsod nito ay hiniling ni Co kay General Marbil na gawing malaliman ang imbestigasyon at matitibay ang ebidensya sa kaso para masigurado na hindi makakaligtas ang salarin.

Facebook Comments