Representative Gloria Macapagal Arroyo, pinalitan bilang House Senior Deputy Speaker

Pinalitan bilang senior Deputy Speaker ng Mababang Kapulungan si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.

Sa sesyon ng Kamara ay si Iloilo Rep. Lorenz Defensor na nagsisilbing majority floor leader ang nagsulong na palitan si Arroyo.

Inaprubahan ito ni Deputy Speaker Democrito Mendoza, na syang presiding officer ng sesyon at walang kahit isang mambabatas ang tumutol.


Ipinalit kay Arroyo bilang senior Deputy Speaker si Pampanga 3rd District Rep. Aurelio ‘Dong’ Gonzales Jr.

Paliwanag ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, layunin nito na bawasan ang trabaho ni Arroyo.

Bilang tugon ay sinabi naman ni Arroyo na prerogative ng Mababang Kapulungan ang naturang desisyon.

Facebook Comments