Nagpatupad na ang Philippine National Police (PNP) ng rotation sa kanilang mga tauhan para mapanatiling apolitical ang kanilang hanay kaugnay sa nalalapit na national at local election sa Mayo.
Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, 38 provincial directors, commanders at chief of police sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang una nang isinailalim sa rotation.
Ito aniya ay batay sa kanilang rotation policy epektibo onitng January 8, 2022.
Paliwanag ng PNP na gusto nilang mawala ang perception ng pagiging bias ng PNP kaya ginagawa ang rotation sa kanilang hanay lalo na sa mga chief of police na matagal nang nasa kanilang pwesto at area.
Dagdag pa ni Carlos, nire-review nila ang performance ng bawat field commanders kabilang na ang directorial staff at mobile force commanders para sa pagpapatupad ng rotationpo licy.
Pagtitiyak ng PNP chief na mananatiling apolitical ang kanilang organisasyon ngayong panahon ng eleksyon.