Muling nagpasaya ang RMN DZXL 558 Radyo Trabaho ng labing-limang “Batang RT, Batang Tatak DZXL” sa ikalawang araw ng DZXL: Radyo Trabaho gift-giving activity sa mga batang lansangan sa Parañaque at Pasay City.
Ito’y matapos makatanggap sila ng exclusive Radyoman shirt, pasalubong bundles at customized DZXL face mask.
Isa sa mga maswerteng naispatan ng gropo ang isang grupong batang lansangan na nagbebenta ng basahan at nagpupunas ng salamin ng mga sasakyan sa Lungsod ng Parañaque.
Ayon kina alyas “Lorenz”, “Nicole”, “Niemiel”, “Royjhelo”, “Justine” at “Janna” na nasa 12 hanggang 16 taong gulang, nagpapasalamat sila sa natanggap na munting regalo at dahil “Batang RT, Batang Tatak DZXL” na sila.
Anila, malaking tulong ang pasalubong bundles na ibinigay ng DZXL habang nag-o-online class sila at tiniyak nilang susuotin nila ang exclusive Radyoman shirt at customized face mask sa kanilang hanapbuhay.
Lubos ding nagpapasalamat si Tatay Jose na ang hanapbuhay ay ang pagbebenta ng sigarilyo sa Pasay City matapos makatanggap ng regalo ang kanyang anak na si alyas “Jean” na isang person with disability (PWD).
Nakakatuwa ring pagmasdan ang mga ngiti ng mga batang lansangan na sina alyas “TJ”, “Jenzel”, “JP”, “Mariecon” at “David” na nasa 5 hanggang 9 taong gulang ng Pasay City at ang magkapatid na sina alyas “Manuel” at “Ellen” at “Surpina” ng Parañaque City.
Layunin ng aktibidad na ito na kahit sa simpleng paraan, maipadama ng DZXL sa mga batang lasangan ang kasiyahan at pagmamahal sa gitna ng pandemya.
Bukas, ang pangatlo at huling araw ng DZXL gift-giving na lilibutin ang Taguig City at Pateros.