Robredo, umapela sa pamahalaan na huwag gamitin ang militar sa pananakot

Kinuwestiyon ni Vice President Leni Robredo ang tono ng pananalita ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na magbantang gagamitin ang militar para matiyak na magiging mapayapa ang pagdaraos ng halalan sa 2022.

Giit ni Robredo, palagi namang tumutulong sa pagbibigay seguridad sa eleksyon ang mga sundalo.

Sa tono ng pangulo, tila ginagamit tuloy ang militar para manakot.


“Kasi ‘yung militar, over the years mga professionals ito e, na sinuman ang pangulo, basta kinakailangan ang tulong nila, lagi silang nandyan. Pero sana wag silang gagamitin para takutin ang mga mamamayan,” saad ng bise presidente.

“So sakin lang, given naman ‘yon na kapag eleksyon talagang tumutulong sila to maintain peace and order kasi talagang maraming mga ulugar na nagkakaroon ng problema,” dagdag niya.

Dagdag niya, maling gamitin ng anumang institusyon ang militar sa tuwing may polisiyang nais ipatupad ang pamahalaan.

“Sa’kin lang nung nabasa ko ‘yon, ang feeling ko lang, ‘ano ba naman yan, ganon na naman’.

“Everytime na gusto nating mag-enforce ng isang policy, gagamitin natin yung militar, ‘kung hindi kayo susunod ganito yung gagawin,’ mali yun. E kahit sa pandemic ganon din di ba?” dagdag niya.

Facebook Comments