BARANGAY SA SISON, ISASAILALIM SA ‘TOTAL LOCKDOWN’

24

SISON, PANGASINAN – Isasailalim sa total lockdown ang Barangay Poblacion Norte sa bayan ng Sison alinsunod sa kahilingan ng sangguniang barangay sa ilalim ng resolution number 10, series of 2021.

Sa bisa ng Municipal IATF Resolution Number 005, series of 2021, ang mungkahing aprubado at naging epektibo simula september 25, 2021 hanggang october 2, 2021.

Bunsod nito, tanging Authorized Persons Outside Residence (APOR) na kabilang lamang sa medical team at uniformed personnel ang papayagang makalabas ng kanilang tahanan.
Pahihintulutan ding lumabas ng bahay ang mga mangangailangan ng serbisyong-medikal sa pahintulot ng municipal health office.


Pakiusap naman ng lgu sa mga residente na makipagtulungan at makiisa upang mapagtagumpayan ang layunin ng total lockdown na mapigilan ang pagkalat ng virus.

Facebook Comments