1Sambayan coalition, buo ang tiwala sa mga napipisil na kandidato sa pagka-pangulo

163

Kumbinsido na ang koalisyon na 1Sambayan sa gagawing pagpili ng kanilang grupo para sa susuportahang pangulo sa 2022 election.

Kabilang sa mga napipisil ay sina; Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno, Senator Grace Poe at dating Senator Antonio Trillanes IV.


Kabilang din sa ikinokonsiderang mapasama ay si Senator Nancy Binay.

Ayon kay Atty. Howard Calleja, naniniwala silang handang isantabi ng mga nasabing napipisil na kandidato ang kanilang pansariling interes upang magkasundo sa iisang taong susuportahan para tumakbo sa pagka-pangulo.

Habang ilan din sa dapat na ikonsidera ay ang pagsuporta ng mga ito sa democratic principles, rule of law, pagpapatigil sa extrajudicial killings at pagprotekta sa mga teritoryo ng Pilipinas.

Nananatili namang bukas ang koalisyon sa posibleng pagsama ni Senator Panfilo Lacson sa listahan na una nang pinigilan ng senador.



Ang Liberal Party ang nag-iisang parte ng koalisyon kung saan aabot sa 24 convenors ang mayroon ito.


Facebook Comments