Philadelphia 76ers, tinalo ang Atlanta Hawks sa Game 2 ng NBA Eastern Semifinals

25

Tinalo ng Philadelphia 76ers ang Atlanta Hawks sa score na 118-102 sa Game 2 ng NBA Eastern Conference Semifinals.

Pinangunahan ito ni Joel Embiid na may playoffs career-high na 40 points na sinundan ni Tobias Harris na may 22 points.


Parehas namang may ambag na 21 points sina Danilo Gallinari at Trae Young ng Hawks.

Magtatapat ulit ang Sixers at Hawks sa Game 3 ng Semifinals best-of-seven series sa Biyernes.

Facebook Comments