1Sambayan nominees sa 2022 elections, binati ng Malakanyang

136

‘I wish them the best of luck.’

Ito ang pinaabot ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa 1Sambayan nominees na sasabak sa 2022 elections.


Ayon kay Roque, mukhang mahihirapan ang 1Sambayan dahil sa anim na nominado, isa-isang nagsi-atrasan ang mga ito at tanging sina Vice President Leni Robredo at Antonio Trillanes na lamang ang natira.

Una nang inanunsyo ng 1Sambayan ang kanilang pambato sa pagkapangulo sa 2022 election na kinabibilangan nina VP Robredo, dating Senador Antonio Trillanes IV, Senador Grace Poe, CIBAC party-list Representative Eduardo Villanueva, Atty. Chel Diokno at Batangas Representative Vilma Santos-Recto.

Facebook Comments