Mahigit 1.2 milyon ang bagong gumaling sa COVID-19 ayon sa DOH

38

Umakyat na sa 1,240,112 ang mga bagong gumaling sa COVID-19, kabilang ang nadagdag na bagong gumaling na umaabot sa 7,145.

Ayon sa Department of Health, (DOH) pumalo na sa 1,322,053 ang kabuuang kaso ng mga tinatamaan ng COVID-19, kung saan 22,845 ang mga nasawi kabilang ang 57 bagong nasawi at umaabot naman sa 59,096 ang aktibong kaso kung saan nadagdag ang 6,426 na mga bagong kaso ng COVID-19.


Umaabot sa 13.7 percent ang nagpositibo at 41,244 ang bilang ng mga sinuri na mga pasyente na may taglay na COVID-19.

Facebook Comments