1Sambayan, pinangalanan na ang anim na posibleng maging standard bearer ng oposisyon sa 2022 elections

51

Pinangalanan na ng political coalition na 1sambayan ang anim na personalidad na napupusuan nilang maging standard bearer ng oposisyon sa 2022 elections.

ang mga ito ay sina Vice President Leni Robredo, Senator Grace Poe, dating senador Antonio Trillanes IV, CIBAC Party-list Rep. Eddie Villanueva, Batangas Rep. Vilma Santos at human rights lawyer na si Atty. Chel Diokno.


Ayon kay Atty. Howard Calleja, isa sa co-convenors ng 1Sambayan, ibinase nila ang pagpili sa mga track record at paninindigan ng mga ito sa iba’t ibang isyung kinakaharap ng bansa.

Kabilang dito ang pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic, trabaho, problema sa kagutuman at isyu sa West Philippine Sea.

Facebook Comments