Apat na napili ng 1Sambayan, walang balak tumakbo sa pagkapangulo

295

Tinanggihan ng apat na kabilang sa listahan ng potensiyal na i-endorso ng political coalition na 1Sambayan ang alok na maging standard bearer sa sa 2022 elections.

Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi nina Senator Grace Poe, Batangas Rep. Vilma Santos at Atty. Chel Diokno na bagama’t nagpapasalamat sila sa pagkakasama sa listahan ay wala silang balak tumakbo sa pagkapangulo.


Kaugnay nito, sinabi ni Senator Joel Villanueva na naniniwala siyang wala ring balak na tumakbo sa mas mataas na posisyon ang kaniyang ama na si CIBAC Party-list Rep. Eddie Villanueva.

Samantala, nagpasalamat si Dating Senador Antonio Trillanes IV sa pag-endorso sa kaniya at naniniwala umano siya na ang coalition ang tanging daan para sa pagkapanalo ng oposisyon sa susunod na taon.

Facebook Comments