Samu’t saring regalo, handog sa ika-9 anibersaryo ng RMN Foundation

Ipinagdiriwang ngayon ang ika-9 na founding anniversary ng RMN Foundation Inc.

Kasama sa misyon ng RMN Foundation Inc ang edukasyon para sa kabataang Pilipino sa pamamagitan ng programang ‘Radyo Edukasyon’ na mapapakinggan sa ilang RMN stations nationwide.

Gayundin ang pagtulong sa pagbangon ng mga biktima ng iba’t ibang kalamidad kung saan inilulunsad sa lahat ng RMN station nationwide ang proyektong “Oplan Tabang”.


Bukod pa riyan ang pagbibigay impormasyon para sa magandang kalusugan pati na rin ang pagpapagamot sa may sakit.

At ang “Lingap Kalikasan” o pagsagip sa ating inang kalikasan para sa magandang kinabukasan.

Kaugnay nito, nagpaabot rin ng pagbati sa RMN Foundation ang iba’t ibang organisasyon;

-ACS Manufacturing Corp
-Pfizer Philippines Foundation
-Ayala Foundation, Inc
-Smile Train Philippines
-World Vision Philippines
-Dualtech Training Center Foundation, Inc.
-YGoal Inc
-DEPED San Juan School Division Office

Samantala, kasabay ng ika-9 na Anibersaryo ng RMN Foundation ay magbibigay ito ng munting regalo katuwang ang ACS Manufacturing Corp.

Abangan lamang ang mechanics ng promo sa official Facebook page ng RMN Foundation kung papaano makakasali.

Muli, ang pagbati ng RMN Networks at DZXL 558 Radyo Trabaho sa ika-9 na founding anniversary ng RMN Foundation!

Facebook Comments